Updated: June 2020
Ang Coronavirus Disease (COVID-19) ay isang nakahahawang sakít na dulot ng isang bagong coronavirus na ipinakilala kamakailan sa mga tao sa unang pagkakataon. Tinatawag itong pandemic ng World Health Organization (WHO) dahil kumalat na ang virus sa buong mundo. Halos 80% na tao na may COVID-19 ay may banayad na sintomas.
Ang coronaviruses ay isang malaking pamilya ng virus na nagdudulot ng iba’t ibang sakit, mula sa karaniwang ubo’t sipon hanggang sa mas malubhang mga impeksyon tulad ng MERS-CoV at SARS-CoV. Ang coronavirus ay maaari ring magdulot ng iba’t ibang sakit sa mga hayop.
Ang mga pinakakaraniwang sintomas:
Lagnat (hindi kinakailangang mataas na lagnat)
Tuyong ubo
Pagod o pagkahapo
Hirap ng paghinga
May mga pasyente nakaranas ng pananakit ng katawan, baradong ilong, pagtulo ng sipon, pananakit ng lalamunan, o pag tatae.
Kabilang sa malalang sintomas ay:
Nahihirapan sa paghinga
Hinihingal
Tuloy-tuloy at matinding pananakit o pagbigat ng dibdib
Pagkalito o pagkabalisa, tutulog-tulog, hirap gumising, nawawala sa sarili
Pangigitim ng labi o mukha
Ang mga sintomas ng COVID-19 ay maaaring katamtaman hanggang malalâ. Halos 80% ng tao ay may banayad na sintomas. Pinakamatagal na ang 14 na araw para lumitaw ang mga sintomas ng COVID-19.
Kung may sintomas at naninirahan sa lugar na naka-ECQ o pumunta sa lugar na naka-ECQ, tawagan ang lokal na BHERT o ang DOH hotline - (02) 894 COVID (26843) o 1555 para sa lahat ng network subscribers. Tutulungan ka nila kung kailangan mo ng medikal na atensyon at kung kailangan mai-refer sa pinakamalapit na ospital.
Ito ay naipapasa ng tao-sa-tao sa pamamagitan ng droplets. Naipapasa ito mula sa mga malilit na talsik ng laway (droplet) mula sa pagsasalita, pagbahing, o pag-ubo ng isang taong may COVID-19. Ang mga droplet na ito ay nalalanghap ng ibang tao.
Ito ay karaniwang nangyayari sa mga taong may malapitang pakikisalamuha sa may sakit – tulad ng mga kapamilya at healthcare workers kaya mariing pinapayo na panatilihin ang isang metrong layo sa mga taong may sintomas tulad ng pag-ubo at pagbahing.
Nakakukuha rin ang isang tao ng COVID-19 kapag humawak sa mga bagay o rabaw (surface) at saka hahawak sa kaniyang mata, ilong, o bibig. Kayâ napakahalaga na palaging maghugas ng iyong kamay.
Maaring mahawa ang siuman, anuman ang edad ng COVID-19.
Ang mga grupong may mataas na tsansang magkaroon ng malubhang karamdaman ay ang sumusunod:
Mga taong 65 taong gulang at pataas (ating mga lolo at lola)
Mga taong dati nang may karamdaman (halimbawa: alta presyon, sakít sa puso at baga, o diabetes)
Mga may lubhang mapanganib na pagbubuntis (halimbawa: mga babaeng may edad 17 at mas bata, may edad 35 at mas matanda, mga may dati nang karamdaman)
Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.
GOV.PHOpen Data PortalOfficial Gazette